Isang construction worker sa Taguig, arestado ng dahil sa iligal na droga

Timbog ang isang construction worker na tulak umano ng illegal na droga sa Taguig City matapos ikasa ang buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok 2 New Lower Bicutan pasado alas-7:30 kagabi.

Nakilala ang ang suspek Alvin Pagkalinawan Belmonte, alyas “Kuya”, 30-anyos, na residente ng nasabing lugar.

Nakuha ng mga otoridad mula sa kanyan ang 10.76 grams na shabu na may katumbas na halaga na ₱73, 168. 00 at ang ₱700.00 na ginanamit bilang buy-bust money.


Ayon kay Police Captain Salvador Camacho Jr. ng Taguig Philippine National Police (PNP) na ang nasabing operasyon ay pinagsanib pwersa ng Taguig PNP at ang National Capital Region Philippine Dangerous Enforcement Agency o NCR-PDEA.

Hawak na ng Taguig PNP ang nasabing drug suspek at nahaharay ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2092.

Facebook Comments