Isang construction worker sa Taguig, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang isang lalaking construction worker na tulak umano ng droga sa Taguig City, matapos isagawa ang buy-bust operation laban sa kanya pasado alas-7:15 kagabi.

Nakilala ang suspek na si Rodolfo Datiles Jorje, 42-anyos at residente ng Barangay Rizal Makati, City.

Nakuha mula sa kanya ang higit kumulang 6 grams ng umano’y shabu at may katumbas na halaga na ₱39,916.00.


Isinagawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Kambal Buko, Barangay Calzada-Tipas, Lungsod ng Taguig, kung saan target na operasyon si Jorje.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments