Isang consumer group, nakukulangan sa pagkakasibak kay Velasco

Manila, Philippines – Nakukulangan ang United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) sa pagkakasibak ni Pangulong Duterte kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco.

Ayon kay UFCC President RJ Javellana Jr., bagamat welcome sa kanila ang naging aksyon ng Palasyo, mas mainam sana kung ganap ang naging paglilinis sa pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSSa).

Hindi masaya ang UFCC dahil hindi naisama sa nasibak ang Chief Regulator ng MWSS na si Atty Patrick Ty.


Iginiit ni Javellana na dapat ay idinamay na ang buong board   MWSS Regulatory Office sa pagbabago.

Sa katunayan, hindi sapat  na sila ay masibak  kundi dapat pa ngang sampahan ng gobyerno ng kaukulang kaso dahil pinahintulutan nila ang  mga water utilities makapangolekta ng advance sa mga consumers para sa mga pinanpangarap na  projects na hindi naman nai-deliver.

Maliban aniya rito, kulang na kulang din ang kakarampot na refund na pinagtibay ng MWSS sa mga water consumers.

Facebook Comments