Isang consumer group, nanawagan na isapubliko na ang water utilities

Manila, Philippines – Sumama na rin ang Water for All Movement sa mga grupong nanawagan na ibalik na sa kontrol ng gobyerno ang dalawang water utilities na nasa kamay ng pribadong pagmamay-ari.

Ayon kay RJ Javellana, Convenor ng Water for All Movement, sa harap ng kakapusan ng tubig, dapat nang kumilos ang gobyerno para isapubliko ang yutilidad ng tubig.

Sapat na aniyang batayan ang kabiguan ng Maynilad at Manila Water na maisakatuparan ang proyekto mula sa kanilang mga advance na kinolekta sa mga konsumodor ng tubig.


Dapat rin aniya na ipabalik ng gobyerno ang mga sobrang ibinayad nang advance kung mapatunayan sa isang independent investigation na hindi tumupad ang mga water concessionaires.

Magugunita na nasa kontrol noon ng water services Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang  distribusyon ng tubig sa Metro Manila.

Pero, sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos ay ipinasakamay ito sa private sector kasunod ng nangyaring water crisis noong 1990s.

Taong 1997, nang mahati ang water services sa Metro Manila dalawang sektor.

Nakuha ng Manila Water ang east concession habang napunta sa  Maynilad ang west zone.

Facebook Comments