Isang consumer group, nanawagan na pagkain muna ang unahin bago tabako sa anti-smuggling

Nanawagan ngayong ang isang consumer group na tutukan ang pagsugpo sa smuggling ng pagkain imbes na gamitin ang isyu sa nagtataasang presyo upang maisingit ang tabako sa saklaw ng RA 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Sa pahayag ni Atty. Simoun Salinas, spokesperson ng Malayang Konsyumer sa pagdalo sa media forum sa Maynila dahil sa tumaas na presyo ng sibuyas at iba pang produkto, tama ang administrasyong Marcos sa pagsugpo sa agri smuggling, ngunit ilan daw sa mga mambabatas ay nais sumawsaw sa isyung ito at maisama ang tabako at sigarilyo.

Giit ng grupo, food security ang isyu o pagkain para sa Pilipino ang prayoridad at tutukan natin at hindi ang sigarilyo.


Nabatid sa Senate Bill 1812 ni Senator Lito Lapid, naglalayong amyendahan ang RA 10845 at isama ang mga produktong tabako tulad ng sigarilyo sa parehong kategorya ng bigas, asukal, gulay, karne at iba pang mahalagang produktong pagkain na dapat masinsinang manmanan ang pagpupuslit sa bansa.

Sinabi pa ni Salians na tila espesyal ang pagtrato sa mga produktong tabako kung saan ngayon lang ito naisipan at sinasakyan pa ang isyu ng smuggling ng agri products.

Iginiit naman ni Malayang Konsyumer convenor Christian Real na hindi kailangang amyendahan ang batas para bigyan ng special treatment ang tabako para itapat sa mga produktong pagkain na araw-araw nating kinokonsumo.

Facebook Comments