Isang consumers group, umaasang hindi magiging ningas kugon ang hangarin ni Pangulong Duterte sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga Telco

Welcome development para sa United Filipino Consumers and Commuters ang nabuksang usapin ng serbisyo ng Smart at Globe Telecoms.

Gayunman, hinahanap ni RJ Javellana, taga-pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters, ang pinakalaman ng warning ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, ang kulang sa pahayag ng Pangulo ay ang specifics o mga partikular na gagawin.


Binigyang-diin ni Javellana na dapat ay masundan ng kongkretong hakbang ang banta ng Pangulo para hndi magmukhang ningas kugon lamang.

Inaantay ni Javellana kung paiimbestigahan ng gobyerno ang mga oligarkong Telcos dahil sa kanilang mga pang-aabuso sa publiko sa nakaraan at ang mga posibleng ang pang-abuso o violations ng mga ito.

Aniya, magsilbing babala ito sa iba pang oligarko na nasa serbisyo ng tubig at kuryente.

Facebook Comments