Ikinadismaya ng isang contractor/engineer at isa ring resort owner ang naging pagpupulong nila ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Ayon kay Engr. Selwyn Lao, may ari ng Wing-An Garden Resort na nasa loob ng Multinational Village,isinisisi nito ang mga nangyayaring pagbaha sa apat na mga Subdivisions sa Parañaque City.
Paliwanag pa ni Engr. Lao, na may-ari ng Wing-An Garden Resort sa loob ng Multinational Village, na inanyayahan umano siya ng DENR upang talakayin ang usapin ng mga pagbaha malapit sa Baloc-Baloc creek sa pagitan ng kanyang resort at Camella Homes Classic.
Sa kanyang sulat kay DENR Secretary Maria Yulo-Loyzaga na may petsang January 19,2024.
Disymado umano siya sa inaasal at resulta ng naturang meeting dahil sa mabagal at kapalpakan na plano at minamadali ang naturang proyekto.
Dagdag pa ni Lao na marami na umanong taon ang nasasayang sa kapalpakan ng mga opisyal ng DENR na nag-aatubiling solusyunan ang nasabing problem.
Sinabi pa ni Lao hindi umano nito matatanggap ang naturang meeting dahil hindi naman talaga nareresolba ang problemang nawawalang Baloc-Baloc creek.
“Their narrative of solving the problem was focused on convincing me to waive my rights to a permanent solution but to enter into a status quo, pretending and trying to convince me for humanitarian considerations,” Dagdag pa ni Lao.
Matatandaan na inihayag ni Lao na ang tunay na estado ng Kumpanya ni dating Senate President Manny Villar ay ilegal na nagtayo ng creek at ginawang lote ng subdivision at kalsada na lumikha ng mga pagbaha sa naturang mga villages.
Nanindigan si Lao na ang Camella Homes at Multinational Village residents ay dapat isisi sa mga Villars at hindi ang kanyang resort.
Binigyang diin pa ni Lao na ang Baloc-Baloc creek na dumadaloy sa kanyang resort ay gawa ng tao ang daluyan ng tubig ng mga Villars’ real estate company para palitan ang tunay na creek na kanilang iligal na pinagtatayuan.