Isang crew, isinugod sa pagamutan ng Phil. Coast Guard

Manila, Philippines – Ibinida ng Philippine Coast Guard na malaking tulong ang Sea Ambulance sa kanilang isinigawang medical evacuations kung saan agad nabigyan ng kaukulang paunang lunas ang crew ng MS “World Dream” na dumaong sa Boracay Island, Malay Aklan.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo nagsagawa ng medical evacuation ang PCG kung saan isang 3rd cook na si Ni Nyoman Nivia Rufini 20 anyos isang Indonesian National ang nakaramdam ng pananakit ng tiyan na sakay ng MS “World Dream”, isang International Cruise ship na pagmamay-ari ng Chinese National.

Paliwanag ni Balilo sakay ng MS World Dream ang 2,605 pasahero at 1,932 na mga crew ang sakay patungong Boracay Island, Malay, Aklan.


Napansin ng PCG na si Rupini ay nakaramdam na matinding pananakit ng tiyan kaya agad isinugod ng Sea Ambulance sa Panay Health Care Center, Kalibo, Aklan kung saan natuklasan na si Rupini ay na-diagnosed na may sakit acute appendicitis at naka-admit ngayon sa naturang pagamutan.

Facebook Comments