Isang cruise na dadaong sana sa San Francisco, California, ni-lockdown

Nagpatupad ng lockdown sa kanilang mga pasahero ang MV Grand Princess Cruise Ship na dadaong sana sa San Francisco, California dahil sa COVID-19.

Kaugnay ito ng mga ulat na naging pasahero ng naturang cruise ship ang pumanaw na indibidwal sa California dahil sa COVID-19.

Sa abiso ng pamunuan ng barko, pinayuhan nito ang lahat ng kanilang mga pasahero na manatili muna sa kanilang mga kwarto, habang isinasailalim sa medical screening.


 

Facebook Comments