Manila, Philippines – Isang daan at labing siyam na kalapati ang pinakawalan ng mga pulis sa Camp Crame Quezon City.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika isandaan at labing siyam na anibersaryo ng araw ng kalayaan.
Bago pa man basahin ni Deputy Director Fernando Mendez Junior ang mensahe ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.
Binigyang pugay muna nito ang mga pulis na nagbuwis ng buhay sa Marawi City na nakipagbakbakan sa Maute Group.
Sa binasang mensahe ni Dela Rosa, sinabi nito na sana raw ay hindi maglaho ang alab na nararanasang kalayaan at demokrasya ng bawat Filipino.
Ipinagdarasal din ng PNP chief na makamtan na ang pangmatagalang kapayapaan at tunay na pag unlad ng bayan.
Ito rin aniya ang tamang panahon para patunayan ng mga pulis sa mamamayan ang tunay na dedikasyon sa pagtataguyod sa mga nakasaad sa batas at alalayan ang pamahalaan sa layunin na makamtan ang malawakan at matibay na kapayapaan at kaunlaran ng bayan.
DZXL558, Rea Mamogay