Magtatayo ang gobyerno ng 100 housing units sa Cavite para sa mga pulis at sundalo.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ambush interview sa isinagawang selebrasyon ng anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio.
Ayon sa pangulo, nagkaroon sila ng pagpupulong kahapon sa Malakanyang kasama sina sina Philippine National Police o PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff General Andres Centino at pinag-usapan ang pilot program para sa housing units ng mga sundalo at pulis.
Sinabi ng pangulo, 500 housing units para sa mga pulis at 500 housing units din para sa mga sundalo ang itatayo sa Cavite.
Naniniwala ang pangulo na ang pagbibigay ng pabahay sa mga pulis at sundalo ay isang investment.
Ayon sa presidente, hindi ito financial investment sa halip ay investment sa mga uniformed personnel upang sa kanilang pagseserbisyo sa bayan ay hindi nila aalalahanin kung saan sila uuwi at kung saan uuwi ang kanilang mga pamilya.
Punto ng pangulo malaking bagay ito sa hanay ng PNP at AFP.