Isang dalagita sa Negros, hindi na kinayanan, napaanak sa isang palayan

Hindi na napigilan pa ng isang 17-anyos na dalagita ang mapaanak sa isang palayan sa Sipalay City, Negros Occidental, Sabado ng umaga.

Isusugod na dapat ng kanyang mister at ng kanyang ina ang dalagita sa pinakamalapit na pagamutan dahil nag-abiso na umano ito na manganaganak na.

Hindi na umabot pa sa ospital ang tatlo dahil hindi na kinaya ng dalagita at sa nadaanang palayan na inire ang kanyang baby.


Samantala ay agad namang nakahingi ng tulong ang nasabing pamilya sa City Disaster Risk Reduction Management Office ng lungsod at saka idinala sa Sipalay City Infirmary and Birthing Unit ang mag-ina.

Facebook Comments