Isang dance instructor timbog sa droga ng PP3

Timbog ang isang dance instructor kahapon ng hapon matapos na nagsagawa ng drug operation ang mga elemento ng PP3, City Drug Enforcement Unit at PDEA-ARMM sa bahagi ng Concepcion street barangay Tamontaka mother. Kinilala ang nahuli nasi Noel Panaggulon 35 anyos na residente sa naturang lugar at nakuha sa kanyang posisyon ang tatlong sachet ng shabu at dalawang cellphone.Ayon pa kay PSI Leonardo Enggay, matagal na umano nilang sinusubaybayan ang galaw ng suspect na nagsa-sideline ng pagtutulak ng droga kayat ikinasa kahapon an operasyon hanggang siyay nahuli..Nakapiit na ang suspect at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments