Isang dating alkalde, target ding ipapatay ni Daraga Mayor Baldo – CIDG

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinag-planuhan rin ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na ipapatay ang dating alkalde sa nasabing bayan.

Ayon kay PNP-CIDG Director Amado Corpuz, inamin ng hawak nilang saksi na si Emmanuel Jaduvar na naglaan si Baldo ng P350,000 para ipapatay si dating Mayor Gerry Jaucian.

Pero hindi aniya na natuloy ang balak na ito dahil ilang buwan lamang makalipas ang 2016 elections ay namatay si Jaucian dahil sa karamdaman.


Makaraang mamatay si Jaucian ay kaagad na naging alkalde ng Daraga si Baldo na siyang nanalong vice mayor noong 2016.

Magugunitang si Jaduvar rin ang nagturo kay Baldo na siyang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Sa kanyang naunang testimonya, sinabi ni Jaduvar na pinag-planuhan ang pagpatay kay Batocabe noong buwan ng Agosto nang magdeklara ito ng kandidatura sa pagka-alkalde sa nasabing bayan.

Facebook Comments