ISANG DATING KASAPI NG KOMUNISTANG GRUPO, BOLUNTARYONG SUMUKO

CAUAYAN CITY – Tahimik na buhay ang pinili ng isang dating miyembro ng komunistang grupo sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Kinilala ang lalaki na si alyas “Reden”, 58-anyo, at residente sa bayan ng Bambang sa nabanggit na lalawigan.

Sa kanyang pahayag, siya ay naging kasapi ng grupo sa ilalim ng Venerando Villasillo Command (VVC) noong 17-anyos at dumaan sa mga pagsasanay upang maging full member.


Subalit matapos ang ilang taong pagiging kasapi ay nagdesisyon itong sumuko sa awtoridad upang mamuhay ng mapayapa.

Ang pagsuko ni alyas “Reden” ay dahil sa maigting na kampanya ng kapulisan kontra terorismo.

Facebook Comments