Itinalaga bilang ad interim commissioner ng Commission on Elections (Comelec) ang isang dating Davao del Norte provincial election supervisor.
Ito ay sa katauhan ni Atty. Aimee Ferolino-Ampoloquio, na mayroong malawak na karanasan sa pangangasiwa ng pagtatayo ng ilang gusali ng poll body.
Ayon kay Ampoloquio, kabilang sa kanyang priority projects ay ang oversight ng construction ng karagdagang buildings para sa Comelec at pag-refine ng internal administration ng poll body.
Ikinagagalak ni Ampoloquio na makahanay sa mga mahuhusay na miyembro ng Comelec en Banc.
Pagtitiyak niya na pagtutuunan niya ang pagsasaayos ng internal management, pagpapabuti ng resources ng tanggapan lalo na sa human resources at materials.
Matatandaang nitong Nobyembre, inanunsyo ng Malacañang na pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ampoloquio bilang bagong Comelec Commissioner kapalit ni Al Parreño na nagretiro nitong Pebrero.