Isang dayuhang babae, patay makaraang barilin sa Pasay City

101

Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Southern Police District ang pagkamatay ng 47-anyos na Cameroonian National na nakilalang si Divine Njua Komfun.

Ang biktima ay nasawi makaraang barilin kahapon sa bahagi ng Arnaiz St. malapit sa kanto ng Roxas Blvd. Service Road, Pasay City.


Suspek sa krimen ang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng jacket, pantalon at naka-face mask.

Base sa report ng Pasay City Police Station, naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar ng bigla itong barilin sa ulo ng hindi pa nakilalang salarin na sumusunod sa kaniya at agad na tumakas.

Facebook Comments