Hinarang ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Manila at Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang isang Panamanian-flagged oil tanker sa bisinidas ng Manila Bay.
Ito ay matapos na mabigo ang MT AU LEO na sumagot sa mga tawag sa kanila sa radyo.
Na-alarma kasi ang PCG dahil sa maritime safety protocols na mapanganib sa maritime traffic sa karagatan.
Sa ginawang inspeksyon ng mga otoridad ng Pilipinas, lumalabas na depektibo ang ilang equipment ng dayuhang barko tulad ng Steering Gear, Safety Management System (SMS) at ang kabiguang ma-maintain ang Radio Watch sa Channel 16.
Nabatid na ang naturang barko ay may lulan na palm oil.
Nagpaalala naman ang PCG sa publiko at sa maritime stakeholders na sumunod sa international maritime safety standards kapag sila ay lalayag sa karagatan ng Pilipinas.