ISANG DEAF TRICYCLE DRIVER NA MASIPAG MAGHANAP BUHAY SA LINGAYEN, KILALANIN

Inspirasyon ngayon si Idol Richard Ong, isang tricycle driver sa bayan ng Lingayen, Pangasinan dahil sa kanyang angking kasipagan. Si Idol Richard ay member ng Deaf Community. Hindi hadlang ang kanyang kapansanan sa paghahanap buhay.
Bukod sa pagiging tricycle driver, siya rin ay rumaraket rin bilang repairman, construction worker, electrician at server sa kanilang church.
Ang kanyang pamamaraan upang makipag usap sa kanyang mga customer or pasahero ay sa pamamagitan ng pagsulat sa kanyang simpleng notebook at ballpen na nakalagay lang sa kanyang tricycle.

Ayon kay Idol Richard, tamang diskarte, tiyaga at pananampalataya ang kanyang ginagawa para magpatuloy sa buhay. Kaya sa mga idol natin diyan na nawawalan ng Inspirasyon sa buhay, tandaan niyo na si Idol Richard ay isa sa Inspirasyon upang tayo ay magpatuloy sa paghahanap buhay dahil hindi alintana ang kanyang pinagdadaanan para hindi magpatuloy sa buhay. |ifmnews
Facebook Comments