Isang designer sa Netherlands, ginawang tela ang dumi ng baka

The Netherlands – Isang Dutch artist ang nakaisip ngayon ng kakaibang paraan para gawing kapakikapakinabang ang dumi ng baka na nagiging problema sa kanilang lugar dahil sa dumarami ang nagbi-breed nito.

Si Jalila Essaidi, isang designer sa Eindhoven sa Norht Brabant – ay nagtiyagang pag-aralan sa bioart lab kung paano gawing clothing fabric, bio-degradable plastic at papel ang dumi ng baka.

Inabot ng ilang buwan si Jalila, kung saan nakagawa siya ng bagong material sa naturang dumi at tinawag niya itong mestic.


Napag-alaman pa na dahil sa kakaibang design ni Jalila ay pinagkalooban ito ng award at $1 million na premyo ng h&m clothing company para mapagpatuloy pa nito ang pagre-research.

Facebook Comments