
Patay ang isang Person Under PNP Custody o PUPC matapos umanong tangkain nitong tumakas sa mga bantay nitong pulis sa Catanduanes noong Pebrero 6.
Ayon kay Del Gallego Police Station Chief Capt. Bernie Undeciimo, ihahatid sana ang nasabing nasawing PUPC at isa pang detainee sa Catanduanes mula sa Pasig City nang magpaalam sana sila para umihi.
Tinanggal umano ang posas ng PUPC nang bigla umano nitong agawin ang service firearm na Galil rifle ng kapulisan ngunit hindi umano ito pumutok agad.
Nagkaroon umano ng habulan sa gubat hanggang sa magkaputukan kung saan gumanti umano ang mga pulis.
Dahil dito ang mga nasabing sangkot na pulis ay nahaharap sa kasong homicide.
Sa ngayon nasa restrictive custody sa Camarines Sur PPO ang 4 na pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Ang nasabing nasawing PUPC ay may nauna nang kasong murder.










