
Isang driver at konduktor sa Vigan City, Ilocos Sur ang nagpositibo sa ikinasang random drug test ng awtoridad para sa kapakanan ng sektor ng pampublikong transportasyon ngayong Undas.
Ang inisyatiba ay isinagawa para matiyak na drug-free at fit to drive ang lahat ng PUV driver at konduktor na babyahe sa iba-ibang lugar sa posibleng dagsa ng mga pasahero.
Ang mga nagpositibo sa drug test ay irerekomenda sa Department of Health para sa confirmatory test at interview ng mga personnel.
Naniniwala ang awtoridad na nagsisimula sa drug-free na driver ang kaligtasan ng mga pasahero habang nasa byahe.
Samantala, patuloy ang mas pinaigting na operasyon at inspeksyon sa mga terminal at kakalsadahan para sa kaligtasan ng mga byahero.
Facebook Comments









