Isang Drug Trafficking High Value Target ng Isabela, Arestado

170

Ilagan, Isabela* – *Arestado ang isang High Value Target (HVT) sa kalakakalang ng ilegal na droga sa lalawigan ng Isabela ng mga pinagsamang elemento ng PDEA Region 2, PNP Ilagan at PNP Cagayan Valley.

Ang naarestong suspek ay nakilalang si Jerwin Adaya y Ylagan, kasapi ng local drug group ng Isabela at nadakip ito sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Guinatan, Ilagan City bandang nuebe y medya noong Hulyo 4, 2017.


Sa nakalap na impormasyon ng DWKD 98.5 RMN News Team, narekober mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Six Thousand Pesos (Php6,000.00), isang 9MM pistol kasama ang magazine na naglalaman ng labing anim ba bala, isang kalibre 45 na pistol kasama ang dalawang magazine na naglalaman ng sampu at labing apat na bala.

Kakaharapin ni Jerwin Adaya ang kaso base sa kanyang paglabag sa Section 5 ng RA 9165. Samantala ang suspek ay kasalukuyan nang naghihimas ng malamig na rehas.

Facebook Comments

From Advertisers