Isang dumpsite sa Pampanga, ipinasara ng DENR

Ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang dumpsite na nasa gitna ng bukid sa Sta. Ana, Pampanga.

Sa labas ng compound, may nakasulat na eco-park pero ginawa itong tambakan ng basura.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, pagkalason sa ilalim ng lupa ang negatibong epekto ng nasabing dumpsite.


Dahil dito, kakasuhan ng kriminal at administratibo ang lokal na opisyal ng Sta. Ana, Pampanga.

Wala pang pahayag ang alkalde nila na sila Norberto Gamboa.

Mula 2018, nasa 500 dumpsite na ang naipasara ng DENR matapos makitaan ng mga paglabag.

Sa susunod na buwan, 200 pa ang target na maipasara ng DENR.

Facebook Comments