Isang eksperto, may paaalala sa mga magulang hinggil sa pediatric vaccination

May paalala ang isang eksperto sa mga magulang tungkol sa pediatric vaccination ng edad 5 hanggang 11.

Ayon kay Dr. Nina Castillo-Carandang ng National Immunization Technical Advisory Group on COVID-19 Vaccines, bagama’t mas mababa ang ibibigay na dosage ng COVID-19 vaccine sa edad 5 hanggang 11 ay kailangang ihanda pa rin ang mga bata bago magpunta sa vaccination site dahil posibleng makaramdam ng pananakit sa braso, ulo o lagnat ang mga ito.

Dalawang dose rin ang ituturok sa naturang age group kung saan ibibigay ang pangalawang dose matapos ang tatlong linggo.


Tiniyak naman ni Carandang na ligtas at epektibo ang mga COVID-19 vaccine kaya’t dapat magpabakuna na upang maprotektahan ang mga bata laban sa iba’t ibang variants ng Coronavirus.

Magsisimula ang pilot implementation ng COVID-19 vaccination sa edad 5-11 sa Metro Manila sa Pebrero 4.

Facebook Comments