Ipinaliwanag ni Dr. Nina Gloriani, ang pinuno ng Vaccine Expert Panel na maling isipin na makakukuha ng immunity kapag sinadyang mahawaan ng COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Gloriani na hindi ibig sabihin na kapag nahawahan ng COVID-19 ay dapat ikatuwa dahil makakukuha ng immunity ang katawan.
Paliwanag nito, hindi kasi lahat ng tao ay magkakaroon ng immunity kapag nagkasakit ng COVID-19 at naka-recover.
Hindi aniya pare-pareho ang epekto ng COVID-19 sa bawat taong nakapitan nito.
Maaari kasing maging severe ang kaso ng isang taong tinamaan ng virus at posibleng hindi maka-recover o baka ikasawi pa nito.
Kaya walang doktor aniya na magsasabing okay lang na tamaan ng COVID-19 para magkaroon ng natural immunity.
Facebook Comments