Kung si Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert ang tatanungin, dapat baguhin na ang depinisyon ng fully vaccinated.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Solante na dapat ang fully vaccinated ay nakatanggap na ng primary at booster dose.
Sa ngayon kasi, fully vaccinated na maituturing kapag nakatanggap ng 1st at 2nd dose o primary dose at 1st dose kung single shot vaccine tulad ng Jansen ng Johnson & Johnson.
Paliwanag ni Dr. Solante, sapat ang suplay ng mga bakuna kung kaya’t walang dahilan para hindi magpabakuna.
Maliban dito, bumababa aniya ang proteksyong nakukuha mula sa bakuna makalipas ang ilang buwan at nananatili ang banta ng COVID-19 kung kaya’t mahalaga ang pagpapa-booster shot.
Maliban dito, hirit ni Solante na dapat ding i-require ng mga employer na boosted na ang kanilang mga manggawa kapag ang mga ito ay nagbalik na sa kanilang workplaces.