Pinatunayan ngayon ng dating chief document examiner ng National Bureau of Investigation na peke ang lagda ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa Absolute Pardon ni QC Congressman Vincent Bingbong Crisologo na kumakandidato ngayon sa pagka alkalde sa QC.
Sa pulong balitaan sa QC , sinabi ni dating NBI official Atty Desiderio Pagui na isa ring kinikilalang handwriting at document expert ng Supreme Court, malaki ang kaibahan sa lagda sa kopya ni Crisologo ng umanoy Absolute Pardon nito at sa lagda ni Ginoong Marcos sa ibang opisyal na dokumento
Base sa dokumento na nakuha sa malacanang records office, lumilitaw na Conditional Pardon na may petsa na enero 14 1981 ang inisyu at tanging si Crisologo lamang ang may kopya nito.
Paliwanag naman ni Atty Socorro Nepumoceno , kung walang lehitimong absolute pardon ang kongresista ,hindi totoong tinanggal ang kanyang sebtensiyang double life imprisonment para sa kaso ng arson at homecide na kinaharap nito noong 1970.
Itoy kaugnay sa panununog ni Crisologo sa dalawang barangay sa Bantay Ilocos Sur.
Noong 1981 nakatanggap siya ng conditional pardon mula kay dating Pangulong Marcos at Enero 1986 binigyan naman siya ng absolute pardon.
Maliban sa sertipikasyon ng malakanyang na wala silang kopya ng absolute pardon, may paglilinaw din ang Board of Pardons and Parole na wala din silang dokumento ukol dito maliban sa index card na nagsasabing conditional pardon lang ang ibinigay kay Crisologo.
Una nang naghain ng petisyon sa Comelec si Ma Sofia lorenza Zamora Para edisqualify si Crisologo sa kanyang kandidatura sa halalan sa Mayo.