Isang electrician pinagbabaril sugatan sa Makati City

99

Ligtas na sa panganib ang isang electrician matapos na pagababrilin ng riding in tandem sa kahabaan ng Kalayaan Avenue corner Palawan St., Brgy Pitogo, Makati City.

Nakilala ang biktima na si  Christopher Porlaje 35 anyos, electrician residente ng  Sta Cruz, Laguna.

Batay sa imbestigasyon ng Makati PNP habang ang biktima ay nag aabang sa kanyang live in partner na isang teller sa isang  Lotto Outlet sa naturang lugar nang biglang huminto sa kanyang harapan ang isang  honda wave motorcycle at walang kaabog abog na pinagbabaril ang biktima kung san tinamaan sa  kanang kamay at kaliwang paa na agad namang isinugod sa Ospital ng Makati habang tumakas naman ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Inaaalm na ng mga otoridad kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments