Magdadagdag ng USD 200 million investment ang isang semiconductor company sa Pilipinas.
Ito ay matapos ang ginawang pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal ng Analog Devices, Inc.’s (ADI) Research and Development sa pangunguna ni Mr. John Hassett, Senior Vice President and Chief Operating Officer sa Blair House dito sa Washington.
Plano ng ADI na magtayo ng bagong R&D facility na ida-dagdag sa LEED certified production facility sa Gateway Business Park sa Cavite.
Nagpasalamat ang pangulo sa ADI dahil sa patuloy na tiwala at paglalagak ng puhunan sa bansa.
Ang ADI ay isang global semiconductor leader na gumagamit ng Intelligent Edge at itinatag ito noong 1965.
Ito ay pinaghalong analog, digital at software technologies na nagbibigay solusyon sa digitized factories, mobility at digital healthcare, combat climate change at iba pa.
As of 2022, nasa 5,252 ang empleyado ng ADI na may USD 394.39 million total na halaga na exports.