Ipinakita ng Department of Education (DepEd) ang isang paaralan na gagamitin para sa pilot run ng face-to-face classes sa November 15.
Ginawang modelo ng Deped ang Tamulaya Elementary School sa Polillo Island, isa sa isang daang public schools ng bansa na lalahok sa limited face-to-face learning ngayong buwan.
Sa ipinadalang larawan ng DepEd kompleto na sa pasilidad ang nasabing paaralan.
Bukod sa tangke ng tubig, hand washing area at medical station, may mga plastic barrier na rin ang mga upuan ng mga mag-aaral at ng guro.
Ayon kay Head Teacher Lilibeth Torres, pinag-aralan nila ang mga nakalatag na guidelines at mas pinaigting ang koordinasyon sa Polillo Local Government Unit (LGU) at mga magulang upang masiguro ang kaligtasan ng lahat oras na magsimula nang pumasok ang mga learners sa November 15.
Dagdag pa niya na mga fully vaccinated na ang lahat ng guro ng Tamulaya Elementary School.