Isang empleyado ng Antipolo City Treasury Office, nagpositibo sa COVID-19

Nagsagawa na ng Contact Tracing ang pamunuan ng Antipolo City Government sa mga nakasalamuha ng isang empleyado ng Antipolo City Office na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, naka-quarantine na sa ngayon ang pasyente at nagpapagaling ang naturang empleyado.

Nagsagawa na rin sila ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng empleyado ng Treasurer’s Office at isinailalim na rin sa test at naghihintay na lamang ng resulta.


Bilang pag-iingat, nagsagawa naman ng disinfection ang Infection Prevention and Control Team ng lungsod, kung saan ay mananatili namang bukas at patuloy ang pagbibigay serbisyo ng Treasury Department at ng City Hall.

Facebook Comments