ISANG EMPLEYADO NG GOBYERNO, TIKLO SA BUY-BUST OPERATION SA SAN FERNANDO, LA UNION

Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang government employee sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Ilocanos Sur, San Fernando City, La Union.

Kinilala ang suspek bilang 35 anyos at residente rin ng nasabing barangay.

Nakuha mula sa kanya ang isang gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang ₱6,800, kasama ang ilang mahahalagang ebidensiya.

Patuloy ang imbestigasyon habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments