Isang empleyado ng House of Representatives, arestado sa ilegal na droga sa Cainta, Rizal

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos na mahulihan ng ilegal na droga nang magsagawa ng buy-bust operation sa One Travellers Lodging Inn, Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Bernardo Taboada, Driver III ng House of Representatives.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Rodolfo Santiago II, OIC ng Cainta Municipal Police Station, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan na nagresulta sa pagkaka-aresto sa naturang suspek.


Nakumpiska sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, pera, personal na mga gamit at dokumento.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments