ISANG EMPLEYADO NG LGU SAN NICOLAS, NAGPAKITA NG KATAPATAN SA PAGSASAULI NG NAPULOT NA GADGET

Likas pa rin sa ating mga Pinoy ang pagiging matapat at may mabuting puso sa kabila ng kahirapang ating pinagdadaanan.
Pinatunayan yan ng 55-anyos na si Mang Eduard “Bosyong” Vicente, empleyado ng LGU San Nicolas, matapos mag sauli kamakailan lamang ng napulot na tablet.
Napulot umano ni Mang Eduard habang siya’y nagwawalis sa Municipal Grounds at kaagarang ipinagbigay alam sa San Nicolas Police Station, upang matunton ang nagmamay-ari ng nasabing gadget.

Dahil sa agarang aksyon, napag-alaman nila ang nagmamay-ari ng tablet ay isang estudyante na Lorene Pepito kung kaya’t naisauli na rin ito.
Si Mang Eduardo ay isa sa maituturing na mabuting ehemplo para sa kabataan na piliin maging matapat sa anumang oras.
Kaya naman mula dito sa IFM Dagupan, ikaw Mang Eduardo ay Idol na rin namin. |ifmnews
Facebook Comments