Isang empleyado ng Philippine Embassy sa India, namatay sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pilipinong empleyado ng Philippine Embassy sa New Delhi, India ang namatay sa COVID-19.

Hindi naman nagbigay ang DFA ng karagdagang detalye hinggil sa pagkakakilanlan ng naturang tauhan ng embahada.

Mananatili namang sarado ang Embahada ng Pilipinas sa New Delhi sa harap ng patuloy na paglobo ng COVID cases sa nasabing bansa.


Sa ngayon, 3 Pinoy na ang namatay sa COVID sa India.

Facebook Comments