Isang engineer, patay sa pamamaril sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang isang engineer matapos tambangan ng hindi nakilalang mga suspek sa Commonwealth QC kagabi.

Dead on the spot ang biktima na si Maximo Gonzales 55 dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit, sakay ang biktima ng Toyota Hilux ng tambangan ng riding intandem sa payatas road kagabi.


Ayon sa anak nag paalam ang biktima para kitain ang ka-live in partner nito.

Anila walang bisyo ang ama tulad ng iligal na droga at wala ding nakakaaway.

Patuloy pa ang imbistigayon sa krimen kung ano ang motibo at kung ang nasa likod ng pagpatay.

Facebook Comments