Ikinalungkot ng grupong Clean Air Philippines Movement Inc. (CAPMI) na hindi napag-uusapan sa election narratives o sa election campaigns ang usapin ng climate change at iba pang environment issues.
Ayon kay CAPMI Spokesman Manny Galvez, sa halip na mga paninira at patutsadahan, tinatalakay na dapat ang climate emergency.
Kasunod na rin aniya ito ng sunod-sunod na super typhoons na nag-iwan ng pinsala sa buhay at ari-arian tulad ng Yolanda noong 2013 at nitong huli, ang Super Typhoon Odette.
Ani Galvez, dapat ay magkaroon na ng bukas na debate sa environment issues upang maipaliwanag sa mga botante ang clear at present danger ng air pollution na dulot ng global warming.
Ang CAPMI, katuwang ang partners sa healthcare, transport, interfaith, academic at professional sectors ay nagkomisyon ng pagbuo ng 50 billboards sa National Capital Region at kalapit na lugar na nananawagan sa mga botante na iboto ang mga kumakandidato na kampeyon ng mga makakalikasang programa.