Isang EO para gawing permanente ang hog repopulation efforts, inihihirit ng DA

Isinusulong ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang pagkaroon ng isang Executive Order para gawing permanente na ang pagpapatupad ng hog repopulation effort.

Nauna nang naglaan ang DA ng ₱400 million para sa implementasyon ng integrated national swine production project.

Sa ilalim nito, mayroong 14,571 sentinel pigs ang naipamahagi sa 5,638 farmer-beneficiaries simula noong 2021 sa mga African Swine Fever (ASF) affected areas.


Sa kasalukuyan, mayroong 42 na probinsya ang kumasang yakapin ang programa.

Ngayong 2022, naglaan ang ng ₱2.97 billion budget para sa hog repopulation.

Batay sa datos noong Feb. 17, ang ASF cases ay nilalabanan na lang sa 20 barangay sa apat na munisipalidad sa tatlong probinsiya.

Facebook Comments