Isang eroplano, sumadsad; sakay, sugatan

Isang 4-seater Cessna aircraft ang sumadsad sa Northern Luzon ngayong umaga.

Ayon sa CAAP, ang naturang eroplano ay may sakay na isang pasahero at isang Pilot in Command.

Ang mga sugatan ay isinugod sa pagamutan.


Unang nakatanggap ang CAAP ng report mula sa San Fernando Tower sa La Union hinggil sa pagsadsad ng eroplano.

Nabatid na ang operator ng Cessna plane ay Leading Edge International Aviation.

Facebook Comments