Isang establishimento sa Santiago City, Nilooban!

47

Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang naganap na panloloob sa isang business establishment dito sa lungsod partikular ang bilihan ng mga gamit pansasakyan.

Batay sa report ay nagtungo sa tanggapan ng PNP station 2 ang may-ari na si Robin Calagui, 54 anyos, negosyante, at residente ng Brgy. Plaridel santiago City upang ipagbigay alam ang naturang insidente

Sa pagsisiyasat ng kapulisan ay umakyat umano ang mga kawatan sa bubong ng naturang establiahimento sa pamamagitan ng nakalagay na temporaryong bakod at pumunta sa bahaging likod nito at doon pumasok.

Dagdag pa rito ay binuksan umano ng mga kawatan ang vault at tinangay ang perang nasa mahigit kumulang isang daang libong piso.

Sa ngayon ay patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga salarin.

Facebook Comments