ISANG ESTRATEHIYA | LTFRB, ibinasura ang hiling ng Piston na baguhin ang jeepeney modernization program at itigil ang oplan ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’

Manila, Philippines – Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng grupong Piston na magkaroon ng bagong jeepney modernization plan at itigil ang “Oplan Tanggal Bulok Tanggal Usok.

Giit ni Piston President George San Mateo, dapat magbuo ng bagong jeepney modernization plan na mas demokratiko.

Pero sagot ni LTFRB Martin Delgra, isa lang itong estratahiya para maudlot ulit ang jeepney modernization program.


Tiniyak naman ng LTFRB na simula sa susunod na linggo, lifted na ang coding sa mga city bus.

Bibigyan rin sila ng special permit para makabyahe sa mga ruta ng jeep para hindi mahirapan ang commuters.

Facebook Comments