Isang estudyante arestado sa ilegal na droga sa Manila

Bumagsak sa kamay ng Manila Police District ang isang Estudyante matapos mahulihan ng ilegal na droga sa  Blumentritt St., España Blvd., Brgy. 513, Zone 51, Sampaloc, Manila.

Nakilala ang suspek na si Bryan Lokisan, 19 anyos student at kasalukuyang residente ng no. 828 Bataan St., Sampaloc, Manila.

Ayon kay  Arresting Officers PCpl Aaron Jay Torres, nagsagawa ng Anti Crminality operation sa Blumentritt St., España Blvd., Brgy. 513, Zone 51, Sampaloc, Manila, ang mga  elemento ng  ESPAÑA PCP na nagresulta ng pagkakaaresto ng naturang  suspek.


Nakarekober ang pulisya ng glass tube pipe na may lamang partially burnt dried leaves na pinaniwalaang  “Marijuana”; at isang disposable lighter na ginamit sa improvised lamp burner.

Paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments