ISANG ESTUDYANTE AT LOKAL ARTIST SA BAYAN NG BAYAMBANG, KILALANIN

Marami sa atin ang mahuhusay pagdating sa drawing and arts. Isa na si Jeorge Alekhine De Guzman, 18 years old na tubong Barangay Nalsian Norte sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.
Ayon sa kanya, bukod sa pag aaral, isa ring ginagawa niya ay ang arts kung saan ginagamit niya ang kanyang talentong ito upang makabili pa ng mga art materials at tulong na rin sa kanyang allowance.
Si Jeorge ngayon ay nag aaral sa Bayambang National HS sa strand na Arts and Designs. Ang kadalasan sa kanyang mga ginagawa ay Anime, traditional arts, sketch painting at customize arts. Ayon sa kanya, marami na ring nagpapagawa sa kanya. Kapag libre ang oras niya, mas marami pa siyang nalilikhang iba’t ibang designs at ideas.

Isa sa kanyang latest art ay ang anime character na si Denji galing sa anime movie na Chainsaw man. Dagdag pa niya, matagal na niyang kinahiligan ang pag aart simula noong siya ay nasa elementary pa lamang. May simpleng art room din siya sa kanilang bahay at doon niya ginagawa at isinasabit ang kanyang finished designs.
Ang payo lang niya sa aspiring student artist ay huwag silang mahihiyang ipakita ang kanilang talento at be confident. |ifmnews
Facebook Comments