Isang estudyanteng nag-video call dahil late sa klase, viral

Photo courtesy of Nathan Esguerra on Facebook

Dahil late sa math class, naisipan ni Nathan Esguerra, kumukuha ng kursong Multimedia Arts sa Lyceum of the Philippines University, na mag-video call na lamang upang makahabol sa lecture ng kanilang professor.

Agad na nag-trending ang kaniyang Facebook post na may caption, “Physically absent. Virtually present. Woke up late. Thanks sa classmate ko. HAHA lupet.”

Umani ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens ang kaniyang post ngunit hinikayat naman ni Esguerra na pumasok pa rin ang mga estudyante at ‘wag siyang gayahin.


Sa kasalukuyan ay mayroon itong 10,000 reactions, 352 comments at 20,000 shares.

Facebook Comments