Isang estudyanteng viral dahil sa naipong mga bus ticket, may free Baguio trip

Photo courtesy of Kyle Lozana on Facebook

Binigyan ng libreng trip papuntang Baguio si Kyle Lozano ng bus company na kaniyang sinasakyan dahil nag-viral sa kaniyang creative shot sa graduation na may kasamang mga ticket na naipon.

Si Kyle Lozano ay estudyante sa Bataan Peninsula University at noon ay bumibiyahe mula Mariveles hanggang Balanga.

Ang kaniyang regalo ay may kasamang 3 days and 2 nights accommodation sa isang hotel sa Baguio.


Ayon sa kaniyang Facebook post na may caption,”Sila: “Uy! Mahirap mag-uwian mag Dorm kana lang!”Me after 4 years. Ps: Baka naman Genesis at Bataan Transit. Graduation Gift! 1 Week na libreng sakay naman dyan! o kaya Baguio!HAHAHA.
#YOURLOYALPASSENGER #GENESIS #BATAANTRANSIT#UWIAN”

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 19,000 reactions, 622 comments at 4,900 shares.

Facebook Comments