Isang executive order binubo para maresolba ang problema sa tubig sa bansa

Kinumpirma ni Secretary to the cabinet Karlo Nograles na mayroong inihahandang executive order ang malacañang para masolusyunan ang problema sa kakulangan ng supply ng malinis na tubig hindi lang sa metro manila kundi sa buong bansa.

 

Sa impormasyong inilabas ni Nograles ay sinabi nito na nagtutulong-tulong ang ilang tanggapan ng pamahalaan para makabuo ng isang executive order para mabigyang solusyon ang matagal nang problema sa tuig ang mapigilan ang paglala nito.

 

Sinabi ni Nograles na kabilang ang paglalabas ng EO sa pagsasapinal ng Philippine Development Plan 2017-2022 kung saan ay kabilang ang supply ng tubig sa mga kailangang ayusin.


 

Sinabi nito na maraming mapagkukunan ng tubig sa bansa pero ang kailangan ay mahusay na management ng mga water related services ng gobyerno.

 

Nilinaw din nito na bago pa man lumutang ang problema ng supply ng tubig sa metro manila ay ginagawan na ng mga nararapat na hakbang ng economic cluster at cabinet assistance system ang problema sa distribusyon at supply ng tubig sa bansa.

Facebook Comments