Sa kanyang pagiging fashion designer, mas nakilala at mas hinangaan siya dahil sa kanyang pagiging Professional at angking talento sa nasabing larangan. Kilalanin natin si Idol Gladi Echavarre na tubong Urdaneta City, Pangasinan. Ayon sa kaniya, siya ay nagtapos ng Bachelor of Arts Major in Fashion Designing Class of 2005 sa kilalang Unibersidad sa Manila. Dagdag pa niya, nag umpisa siya sa larangan ng fashion designing noong taong 2020 bilang in house designer ni Mr. Bobby Novenario.
Si Miss Gladi ang isa sa mga nag design ng gowns ng ating mga kilalang kandidata na sina Miss Shamcey Supsup, ang National Director ng Miss Universe PH. Isa rin sa kaniyang design ay sinuot rin ni Miss Universe PH 2020 1ST RUNNER UP Miss Bella Ysmael at nito lamang naganap na Miss Universe PH ngayong taong 2023 na si Miss Earth-Air Kerri Reilly, isa sa pambato natin sa ating probinsya. Ang kaniyang gown ay isa rin sa design ni Miss Gladi.
Nais niyang sabihin sa mga aspiring fashion designers na dapat malaman nila na ang fashion industry hindi lang basta business kundi art, kailangan ibalanse. Mahalaga rin ang professionalism sa lahat ng mga iba’t ibang larangan. Iniiwan din ni Miss Gladi ang kanyang reminder na “A beautiful dress is useless if the wearer won’t be able to wear it because you delivered it late.” |ifmnews
Facebook Comments