Isang Fil-Am player, malabo nang makasama sa Gilas para sa FIBA World Cup

Lalaban ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup na wala si Fil-Am player Jordan Clarkson.

Nabatid na umapela ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa FIBA na payagan si Jordan na maglaro sa Pilipinas bilang local player.

Ayon kay head coach Yeng Guiao, mag-move on na dahil malabong nang makasama sa koponan si Clarkson.


Hindi nagpapahiwatig ang FIBA na baguhin ang naging desisyon nito.

Sa rules ng FIBA, ang player na may karapatang mag-acquire ng second nationality at birth ay pwedeng maging kinatawan ng bansa bilang local basta nakakuha ito ng passport bago siya tumuntong ng edad 16.

Facebook Comments