Isang Filipino-Chinese, natagpuang patay sa Malate, Maynila

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang Filipino-Chinese businessman sa loob ng kaniyang condo unit sa Malate, Maynila.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, nakilala ang biktima na si Ramon Dee, nasa 80-85 years old, negosyante at nanunuluyan sa 8th floor, room 808 ng Imperial Bayfront Tower Condominium, 1642 A. Mabini Street sa Malate.

Unang nakita ng isang Manny Sebat na taga-8th floor din sa room 802 ng Imperial Bayfront Tower Condominium na nakatimbuwang ang biktima kaya agad niyang ipinaalam sa security guard na si Jeffrey Almario ang insidente na siya namang nag-report sa pulisya.


Wala naman nakitang anumang indikasyon ng pagpapahirap sa biktima gayundin ang personal na gamit nito at maayos din ang loob ng unit nito.

Hinala ng pulisya na inatake ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan kung saan dinala ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya habang inaalam na rin kung nasaan ang mga kamag-anak nito.

Facebook Comments